Nakakatawang eksena:
Nakita ko sa mall ang isang dating kaibigan na lalake kasama ang girlfriend niya na kaibigan ko din. At tulad ng lagi kong ginagawa, niyakap ko si kaibigang lalake at si girlfriend na babae.
Natawa si girlfriend na babae kasi kalalake ko daw na tao, nang-yayakap ako ng lalake.
Napaisip ako. Oo nga ano. Kung tutuusin, hindi nga naman talaga magandang tignan na nang-yayakap ng lalake ang isang lalake. Lalo na't sa mall.
Nasanay lang siguro ako nung elementary at highschool na kapag naglalambing ako, niyayakap ko yung tao. Palibhasa walang malisya ang mga tao doon sa kumbento kaya hindi ko din nabigyan ng masamang pakahulugan yung ganung ugali.
No more hugs for now. Atleast will try to. :D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-1.jpg)

0 comments:
Post a Comment