Nakakatuwa ang mga naging pag-uusap namin nung isang kaibigan. Pinaliliguan niya ako ng kadramahan at mga tamang hinala. Kesyo na-giguilty daw siya sa ginawa niya. Mapang-asar na tawa lang ang isinukli ko sa pag-aalala niya.
Pero kahit na tinatawanan ko lang siya na para bang nanlilibak, naiintindihan ko kung saan nanggagaling yung pag-aalala niya. 'Yung takot na mawala ang isang taong mahalaga sa'yo. Masuwerte nga yung kaibigan niyang yun, may taong pinahahalagahan siya. Ako, parang nasanay lang yung mga tao na palagi akong nandiyan, nakatawa, laging nakasuporta. Pero kahit minsan hindi ko pa naramdaman na pinahalagahan ako.
May mga tao din kayang natatakot mawala ako sa buhay nila?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-1.jpg)

0 comments:
Post a Comment