Sunday, September 20, 2009

Mandirigma

MANDIRIGMA

Lumilipas ang panahon at napapag-iwanan ang iilan

May ilang tumutugon at may ilang hindi na kayang lumaban

Sa bawat kaganapan na dumaan sa buhay ng tao

Hirap, sakit at lumbay ang tanging bakas na naiiwan…

Tinawag na mandirigma ang taong matatapang

May paninindigan at hindi sumusuko sa laban

Balot ng makakapal na baluti ang kanyang katawan

Ni hindi mo kayang isalarawan ang kanyang kalooban…

Walang makakilala sa ganitong uri ng nilalang

Balot din ng misteryo ang kanyang katauhan

Subalit sa bawat pagkakataon na makakasama mo siya

Tila ang bawat lihim ay unti unting nabibigyan ng kasagutan…

Ang matapang na mandirigmang ito

Sa likod ng kanyang bakal na kasuotan

Ay umiiyak din pala at nasasaktan

Dahil hindi niya kayang ilabas ang tunay na nararamdaman…

At sa pagiging mandirigma na maraming humahanga

Sa kanyang galing at talino lahat ay napapasaya

Subalit hindi niya pala kaya gamitin ang mga ito

Para sa pansarili niyang kaligayahan…

Dahil ang mandirigmang nagtatago sa isang maskara

Ay puno pala ng lungkot na bumabalot sa kanyang puso

Na unti unting pumapatay sa kanya

At patuloy na nagpapahirap sa pusong nagdurugo…








http://makatangwalangtula.wordpress.com/category/p-a-g-i-b-i-g/

0 comments: