Grabe. Grabe lang talaga. Alam naman ng lahat kung gaano ako nasasaktan kapag iniiwanan. Maraming beses na din ako naiwanan, naiwanan ng mga taong mahalaga sa akin. Nalayo sa mga taong pinahalagahan ko ng labis, nalayo ng wala man lang akong nagawa. Lumisan ng hindi alam kung sinong sisisihin. Tapos ganito pa.
Siguro nga ganun talaga. Kaya nga ako nag-ipon ng kaibigan. Kaibigan na inalagaan at pinagmalasakitan na parang tunay na kapamilya. Hangga't maaari, papatagin ko ang daan bago nila madaanan. Kung anong meron ako, sinisigurado kong mayroon din sila. Lahat ng ito sa pag-aakalang kapag dumating ang araw na ako naman ang makalimot mag-alaga sa sarili ko, sasaluhin nila ako, sasaluhin din nila ako.
Pero mali. Mali ang mag-akala. Mali umasa ng kabutihan mula sa iba. Mali ang unahin ang iba Dahil sa huli, iiwan at iiwanan ka din nila. Hindi nag-mamarka sa isipan at kamalayan ng tao ang pagpapahalagang inilaan mo sa kanila, bagkus ang minsang kamalian na bubura ng inyong pagsasama. Dahil sa huli, ang taong inuna mo ang siyang mag-iiwan at mag-lalagay sa'yo sa dulo.
Hindi ko talaga malunok, hindi matanggap ng huwisyo ko. Paano mo nagawang iwanan ang taong labis ang pagmamalasakit sa'yo? Siguro maliit na bagay lang ito para sa iyo o para sa ibang tao, pero para sa akin hindi ko mapapalampas ito. Ang malaki at mayabong na puno ay minsan ding naging isang mumunting buto.
Masamang-masama ang loob ko.
-1.jpg)

1 comments:
nkarelate naman ako run ng konti. Kahit paano kasi nakaexperience din ako nun e, pero kaya yan!
Post a Comment