Saturday, January 9, 2010

Requiem in K minor: Memento Mori

Ito na. Sige na. Panalo ka na. Sobrang masakit na. Hindi ko na kaya.



















Kahit walang mga salitang bitiwan, alam kong may hindi pagkakaintindihan. Hindi naman ako manhid, alam kong may problema na ayaw mo na ating pag-usapan. Kung ang mga tao nga sa paligid, dama na may mali sa atin. Hindi naman ako bato para hindi mapansin. Biglang anlamig ng pakikitungo mo sa akin.



















Sa nangyaring ito, salo ko ang lahat ng sisi. Bakit ako nag-tiwala ng ganito katindi. Akala ko kasi iba ka sa lahat, akala ko hindi ako nagkamali. Pero tulad nga ng lagi mong sinasabi, walang tunay na nakakakilala at sa'yo'y nakaiintindi. Panahon na siguro para ako naman ang maging mabait sa sarili.



















Ngayon hinahanap ko ulit ang sarili ko. Matatagalan pa ako siguro. Pero isa lang ang sigurado, makakabawi at babalik ako. At sa pagbalik ko, ibang tao na ang haharap sa'yo. Hindi na ako ang dating kilala mo, at ikaw ang dahilan kung ba't ako nagkaganito.



















Matagal ko na din pinag-iisipan 'to. Wala sa hinagap na aabot ako sa ganito. Itinulak mo ako papalayo. Sinubukan kong tumakbo pabalik sa'yo. Pero pinagsarahan mo ako ng pinto. Ang lahat ay sinayang mo. Ito na siguro ang dulo.







We can never judge the lives of others, because each person knows only their own pain and renunciation."
-Paulo Coelho





0 comments: